Thursday, December 2, 2010

Pinay panalo sa kaso laban sa among Prinsesa





Usap-usapan pa rin sa London ang kaso ni Susana Danio na tubong Rosales, Pangasinan.
Isa si Susana sa 3 Pinay maid na sinibak ng kanilang amo noong Abril dahil sa umanoy kawalan ng modo o “rude behavior” at ilang insidente ng pagnanakaw.
Amo ni Susana ay si Marie Chantal, anak ng isang US duty-free billionaire na kasal kay Prince Pavlos ng Greece.
Imbes na magmukmok dahil sa paniniwalang wala silang kasalanan, inilaban ni Susana ang kanyang kaso sa employment tribunal kahit walang abugado sa korte.
Pero inamin niya na merong nagbibigay ng legal advise sa kanya.
Nanalo si Susana sa kaso na inatasan ng korte na bayaran ng £7,500 o mahigit P500,000.
Walang sama ng loob si Danio sa kanyang amo na tingin niya'y nasulsulan lang ng kanyang senior staff bunsod ng inggit.
"Para na rin sa kanya... Para hindi po siya biglang nagtitiwala sa naka-surround sa kanya," sabi ni Susana.
Para kay Susana, napakabait naman daw ni Princess Marie na umamin sa kasong illegal o unfair dismissal sa pamamagitan ng kanyang abugado.
May-ari si Princess Marie ng ilang fashion boutiques para sa mga kabataan sa London, Paris at New York.
"Wala akong masabing hindi maganda tungkol sa kanya dahil never niya akong trineat nang masama," dagdag niya.
Umaasa naman ang kasama ni Susana na si Celeste Dedala na makakakuha rin siya ng hiwalay na danyos bunga ng illegal dismissal case.






Reference:
abs-cbnnews.com